1. Pwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break?
Sagot 1: Pwedeng uminom ng softdrink kung coffebreak ngunit kailangan itong lagyan ng asukal at kopimeyt. Kopimeyt dapat at huwag gatas. (Milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi. sounds good to me!)
Sagot 2: PWEDENG UMIINOM NAG-BREAK NGA ANG MGA COFFEE KAYA ALA SILA,KAYA PWEDE SOFTDRINKS AT HINDI MO NA KAILANGANG LAGYAN NG ASUKAL AT KOPIMEYT.
Sagot 3: Palagay ko di pwedeng uminom ng softdrink kapag coffee break. Bawal sa health natin. Di ba tinawag na softdrink ang softdrink dahil inumin ito na
malambot? Kapag malambot, lalambot din ang tuhod mo. Ang coffee ay nagpapanerbyos. Kung iinom ka nito bagsak ka sa lambot! Kaya no way, simply for health reasons!
2. Pwede bang gamitin ang a.m. radio pag gabi na?
Sagot 1: Maari lamang gamitin ang a.m. radio kapag umaga, kapag sa gabi ka makikinig, f.m. na ang tawag don.
Sagot 2: PWEDENG GAMITIN KAPAG GABI NA PERO, MGA KANTANG INGLES LAMANG ANG MARIRINIG MO DAHIL KAPAG GABI SA ATIN AY UMAGA SA U.S.
Sagot 3: DEPENDE. Kung sa umaga ka makikinig ng a.m. radio kailangan itago mo ang radio kay inday. Lalo na kapag naglalaba ito ng mga brief mo. Dahilan? Dahil tiyak, nakikinig ito ng Matud Nila na drama sa DZRH. Sa gabi naman ay ganoon din, Gabi ng Lagim at Simatar! Magkasunod ang dalawang ito kaya hindi lang si inday ang kakompitensiya mo sa a.m. radio mo kundi pati na rin si
dodong na hardinero niyo.
3. Ang fire exit ba ay labasan ng apoy?
Sagot 1: Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag may sunog. Ito ang kanilang daan upang sila'y makatakas o ang tinatawag na "fire escape."
Sagot 2: ANG FIRE EXIT AY HINDI LABASAN NG APOY DAHIL WALA NAMANG FIRE ENTRANCE NA PINASUKAN ANG APOY. YUNG MGA NA-FIRE SA TRABAHO DAHIL UMINOM NG SOFTDRINK NA MAY
ASUKAL SA COFFEE BREAK NILA ANG DUMADAAN DITO.
Sagot 3: Ka-bobohan! Ang FIRE ESCAPE ay hindi pintuan. Ito ay isang LUKSUHAN ng mga taong napaso sa init ng mga kape nila habang nagko-coffee break. Dahil nga sa napaso sila, hindi na sila naka-pasok sa office. Na-FIRE sila. Sa inis, nagtatatalon sila. Ayun! Nag-skip sila ng nag-skip! Bisaya lang kasi yung nagsasalita nun kaya FIRE ESCAPE!
4. Ang uod ba pag namatay ay inuuod din?
Sagot 1: Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang ang inuod ay hindi rin
inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag nalagutan ng hininga, siguro ang uod
kapag namatay ay tinatao.
Sagot 2: KUNG NAGPAKATAO ANG TAO NUNG NABUBUHAY SIYA,MALALAMANG TINATAO SIYA SA KANYANG LIBING AT MARAMING PUPUNTA. KUNG ANG UUD AY NAGING MABUTING UOD AT
NAGPAKAUOD, MALAMANG UURIN DIN SIYA. KAYA DEPENDE SA UOD SA UGALI NG UOD KUNG UUURIN SIYA.
Sagot 3: HINDI. Ang uod ay hindi na inaabutan ng kamatayan. Bago ito mamatay, nagging langaw na siya. Maaring mamatay ang langaw sa utos ni Mam na mag-spray ng basurahan o ng kumedor si inday at si dodong. O dili kaya ay dumikit sa fly-trap na sinabit sa may bintana. Naku, pwede ba galangin natin ang mga patay?!!
5. Totoo bang ang mga manok na pinatay sa jolibee ay masasaya kaya sila tinawag na chicken joy?
Sagot 1: Ang mga manok na pinatay sa Jolibee ay masaya kung kaya't sila'y tinawag na chicken joy. Ngunit hindi kinakailangang sa jolibee patayin ang manok upang ito ay maging masaya...ang mga manok ay nagiging masaya kapag sila ay may kasama sa buhay. kundi...mcchicken singles. (PS. Ang
pinakamasayang manok sa lahat ay iyong 6 pcs. chicken mcnuggets o yung nasa
bucket at ito'y tinatawag na "orgy" sa inggles)
Sagot 2: "MGA MANOK NI JOY", ANG IBIG SABIHIN NG CHICKEN JOY. NAGKAMALI LANG SILA NG SULAT NAPAGBALIKTAD LANG ANG CHICKEN AT ANG JOY. SI JOY ANG ANAK NG MAY ARI NG JOLIBEE
AT SA KANYA IPINAMAHALA ANG MGA MANOK. KAYA HINDI MAGANDANG IPALAGAY NA MASAYA ANG MGA CHICKEN, PERO PWEDE SIGURONG SABIHING MADALI, DAHIL CHICKEN LANG.
Sagot 3: Lubhang nakapagtataka naman na hindi ipagpalagay na hindi masasaya ang mga manok ni Joy kahit chicken lang ang pagpatay sa mga ito! Nakapag-party nga sila with Jolibee Mascot at may friend pa silang kasama ss mcdonalds. Ano kaya ang masasabi ni Max, ni Col Kentucky at ni Kenny tungkol dito? Isama pa pala dito si Andok na taga-Baliwag!
6. Kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day , 7 days a week , at 365 days a year. bakit may lock pa ang pinto nila? bakit ? bakit?
Sagot 1: Dalawa ang dahilan. Una, may coffee break (tingnan ang katanungan bilang 1 hinggil sa maaaring inumin kapag coffe break) din naman ang mga nagtatrabaho sa 7-11. Pangalawa, mayroon tayong tinatawag na leap year.
Sagot 2: HINDI TOTOONG 24HRS NA BUKAS ANG 7-11, BUKAS LAMANG TALAGA ITO NG 7-11. SINUBUKAN MO NA BANG MAG-STAY NG 24HRS SA 7-11? SINASARADO TALAGA ITO AT HINDI MO LANG NAPAPANSIN. KAYA KAILANGAN NG LOCK.
Sagot 3: Pinagtatalunan pa ba ninyo ang katanungang iyan? PALAGING SARADO ang pinto ng 7-11 store --- 24 hours a day, 7 days a week, 12 months a year, 365 days a year. Una. May aircon sila. Lubhang maaksaya sa kuryente kapag laging bukas ang pinto nito. Pangalawa. Nasubukan na ba ninyong pumunta doon? Sino ang nagbubukas ng pinto para sa inyo? Di ba, Sikyo? Kung laging bukas ang 7-11, di na nila kailangan pa na magkaroon ng sikyo para pagbuksan ka ng pinto.
7. Bakit di mataas ang highway?
Sagot 1: Dahil kung mataas ang highway, walang paglalagyan ng skyway.
Sagot 2: MATAAS ANG H-WAY, AT KAHIT GAANO KATAAS ANG H-WAY HINDI NITO TATAMAAN ANG SKYWAY DAHIL NASA SKY NA ITO.
Sagot 3: mmmm. Di ko naisip ito ha?! Oo nga ano? Bakit nga ba.?
8. Ba't alang lumilipad na sasakyan sa flyover?
Sagot 1: Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang sasakyan sapagkat hindi tayo tumitingala kapag tayo ay nasa flyover. Ang pagsalin ng dayuhang salita na flyover sa katutubong wika ay "fly"-lipad, "over"-sa ibabaw. Ibig sabihin nito na ang mga kotse ay hindi lumilipad sa flyover ngunit sa ibabaw ng flyover. Ngayon kung titingala ka naman kapag ikaw ay nasa flyover ang tangi mong makikita ay ang kisame ng iyong sasakyan. Alam kong wala sa inyong mayroong sasakyan na
Miata, Boxster, Kompressor, Z3, Z8 at kung ano-ano pang kotseng pangmayaman kaya't huwag na kayong magpumilit mamilosopo...ako lang ang may karapatan. Kung idadahilan niyo naman na mayroon kayong sunroof, hanapin ninyo ang inyong tinatawag na sense of humor". Namamatay ng maaga
ang palaging seryoso.......HEHEHEHE!
Sagot 2: HAY NAKUU! WALA NAMAN TALAGANG SASAKYANG LUMILIPAD
SA FLYOVER, MGA LANGAW LAMANG ANG UMOOVER DITO. KAPAG
UMOVER ANG SASAKYAN TIYAK, AKSIDENTE. KUNG SINO MAN
ANG GUMAWA NITO, HINDI SIYA NAKAKATAWA.
Sagot 3: Meron naman noh! Paminsan- minsan nga lang. At saka hindi naman talaga mga kotse at bus ang nagpa-fly-over kundi mga eroplano at helicopter. O kita mo na may langaw na naman. Sabi ko na sa inyo hindi na aabutan pa ng pagkamatay ang uod habang siya ay isa pan g uod. Namamatay na ito na isang Langaw!
____________________________________________________
Ang lahat ay inaanyayahan na makipagpalitan ng kanilang mga kuro-kurot pala-palagay tungkol sa mga nabanggit na mga seryoso at napapanahong mga katanungan. Kinakailangan lamang na maging matalino ang inyong mga sagot at pinag-isipang mabuti. Matapos kang makipagtagisan ng opinion.. Wala lng, Salamat!
Wednesday, June 18, 2008
Mga Seryosong Katanungan na may Seryosong Kasagutan.
Posted by Damsel in distress no more at 8:15 PM
Labels: BRIMULATE YOUR STAIN
Subscribe to:
Post Comments (Atom)






1 comments:
ahahahahhaa taena kalokohan to. amishue joey!!
:D
Post a Comment